Sunday, December 13, 2009

Ang AKING BUHAY

Nang iniluwal ako ng aking Ina

Pinangalanan akong “Kristianne Paul”

Ipinagmalaki sa buong Mundo

Minahal ako ng buong-buo

Ako’y isang simpleng bata

Na mahilig makisalamuha

Natutong tumulong sa kapwa

At sa Diyos ay may Pananampalataya

Sa aking Pagbibinatilyo

Nabago ang aking hilig

Dumoble ang aking pagsisikap

Para maabot ang aking Pangarap

Nakita ko ang totoong Mundo

Natutunan kong harapin ang Hamon

Nakita ko ang totoong Kaibigan

At natutunan ko ang Tama’t Mali

Buhay ko’y puno ng kwento

Na hanggang ngayo’y ipinapatuloy

Malukot man o masaya

Puno naman ng makabuluhang yugto

No comments:

Post a Comment